Ang hirap pag relasyon nyo ay walang label
Hindi mo alam kung dapat bang pumapel
O manahimik lang
Kase nga walang label
Walang antas ang relasyon
Walang kasiguraduhan
Laging may hangganan
At di mo alam kung may patutunguhan
Pwedeng masaktan
Pero bawal mag demand
Hindi pwedeng sabihin na layuan mo yan
Dahil nga walang karapatan
Malanding ugnayan
Malabong usapan
Bakit nakukuntento ka
Sa ganyang sistema?
Para lamang kayong gumawa ng bitag na kayo mismo ang malalaglag
Ayaw nyo bang magkaron ng karapatan?
Hindi yung tahimik kang nasasaktan
Magtanong ka
Linawin mo sa kanya
At nang maging malinaw sa inyong dalawa
Hindi yung naihirapan ka, nalilito
Hindi kaba nagsasawa sa ‘ikaw at ako’
Ayaw mo bang magkaroon nang ‘kayo’
Lakasan mo ang loob mo
At itanong mo
Ano ba tayo?