Friends with Benefits

Ito yung klaseng relasyon na magkaibigan lang talaga kayo at walang commitment sa isa’t isa pero parang kayo dahil sa pinapakita niyo. Matatawag din landian dahil sa pinaggagawa nyong dalawa.. Sweet kau, my callsign pwede kayong magkayakapan kapag gusto niyo at pwede kayong maghalikan kapag gusto niyo din. Ganyan kayo pero walang matatawag na “TAYO”

Ito ung relasyon na hindi ka dapat makaramdam ng emosyon pero hindi maiiwasan dahil habang tumatagal nahuhulog kana at napapamahal sa taong walang kasiguraduhan na relasyong meron kayo.. May makakaramdam na ng pagtatampo, pagseselos, pagkagalit, at napapaisip na lang kung tama ba ung nararamdam mo. Ung nagseselos ka kasi my kausap syang iba, Nagtatampo ka dahil minsan wala na syang time sau, nagagalit ka kasi sa tingin mo nakikipaglandian na sya sa iba. May karapatan ka pero hindi mo pede ipaglaban. Dahil hindi naman sya sayo at wala naman na matatawag na “TAYO”

Sa ganitong uri ng pagsasama mas nasasaktan ang mga babae kasi mas madali silang mahulog at mainlove sa pinapakita at pinaparamdam ng mga lalake kaya di maiwasan na mag assume sila.

At Sa ganitong pakikisama rin pwedeng may mawala agad o may umiwas kapag nagsawa. Ito yung relasyon na kapag kailangan mo siya andiyan siya pero walang emosyon at walang relasyon kayong pinanghahawakan. Sa panahon natin ngayon, madami na ang ganito ang gusto dahil nga mas nagagawa nila yung gusto nila. Pwede ka makipag landian sa iba kapag wala ka sa mood sa kanya. Kapag ganito yung relasyon niyo wag ka masaktan kapag nawala siya sayo ng biglaan dahil nung una palang dapat inisip muna na pwede talaga siyang mawala kapag nagsawa na siya.

Sa ganito uri din na relasyon mas madalas nauunang magsawa ang mga lalake kasi may mga nakikilala silang iba.
Hindi naman masama magkaroon ng ganitong uri ng relasyon pero pwede niyo namang mas e level up sa pagiging mag syota eh kung gugustuhin niyo lang talaga .

Leave a comment